About

MMDA Traffic Enforcer for 7 years
Me as Delivery Rider at Baladna Restaurant Qatar
Me at Souq Waqif, Doha Qatar
My Family

“Ang taong nasa likod ng Kamao TV”

Ako nga pala po si Noel Galang, tubong-Cavite, nag-aral, hindi nakatapos ng College, nakapag-asawa at nagkaroon ng pamilya sa Quezon City. Nagtrabaho ako noon bilang Civilian Agent (Watcher) o yung nanghuhuli ng mga Shoplifter sa Super-8 Grocery sa Novaliches, Quezon City simula 2006-2008.

Lumipat ako ng ibang trabaho bilang Traffic Enforcer sa MMDA noong 2008-2015, at dahil sangkatutak na banta sa buhay, mga kaso na inabot ko sa MMDA, at maliit din ang sahod, nagdesisyon akong mag-apply sa abroad.

Nagtrabaho ako sa Qatar ng halos 5 taon, unang trabaho ko ay isang Facility Cleaner, naglilinis ako ng mga opisina, at hindi nagtagal nalipat ako ng trabaho bilang Delivery Rider sa mga restaurants, kahit saang parte ng Qatar na napuntahan ko na siguro para lang magdeliver ng mga pagkain, 3 beses na rin ako naaksidente, buti nalang puro mga galos lang ang mga tinamo ko.

Nagsimula ako gumawa ng Youtube Channel noong April 28, 2019, unang pangalan ng channel ko ay Drama Alert TV, kung saan nagbibigay ako ng mga reaksyon sa mga trending na balita, pagkatapos pinalitan ko ang pangalan ng channel ko, ginawa kong AI Report, at halos 5 buwan bago ko naabot ang requirements ng Youtube Partner Program.

Naging Youtube Partner na ako noong September 9, 2019, doon ko naisip na gawing Boxing/MMA Content ang Channel ko, kaya pinalitan ko ulit ang pangalan ng channel ko bilang Kamao TV.

Noong nakita ko na marami nang Boxing News and updates channels ang youtube, naisip ko na baguhin ko ang estilo ng channel ko, sa halip ginawa ko itong Boxing/MMA Trivias and Events para hindi ko maging karibal ang ibang mga boxing channels.

Pagdating ng November 2019, gumawa na rin ako ng Kamao TV Facebook Page, at lahat ng video na nilagay ko sa Youtube eh nilalagay ko rin sa Facebook Page, naging maganda naman ang takbo ng dalawang Platform ko.

Kaya noong December 2019, nag-desisyon na akong mag-resign sa trabaho ko sa Qatar, at umuwi na ng Pilipinas para makapag-focus ng full time sa mga ginagawa kong videos at makasama na ang aking pamilya.

Kaya kung meron kayong pangarap, dapat yakapin niyo ito ng mahigpit at huwag niyong pakawalan, dahil kung wala kayong pangarap, wala ka rin kayong magiging plano.

“This Website is owned & operated by “Kamao TV – Multimedia Production” Officially Registered on Department of Trade and Industry Philippines (www.dti.gov.ph) under the name of Noel M. Galang.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s